August 25th, 2008

Beckys : The Reunion

at carafe - pauwi na

Last Saturday, binyag ng anak ni Otto. Naisip namin ni Maisie na magkita kita na din with PS peeps since tagal na din namin di nagkita. Sad nung una kase si Junville di daw makakasama dahil may sakit. Buti na lang si Aileen pumunta. So ayun, sa church ang nagpunta lang ako, si Butchoy, si Maisie, si Mami Kris, saka si Aileen. Ang aga naming nakarating sa church, nauna pa kami kina Otto! hahaha! Tapos nung magstart yung binyag, wala pa yung mga ninong at ninang..pano adik to si Otto mali mali magbigay ng direction kaya ayun..naligaw yata sila! haha! Ang ending naging proxy sila lahat! Grabe ang bilis na pala ng binyag ngayon, 15 mins lang tapos na! Nakakagulat! hehe..after ng binyag since wala kaming car pinasabay kami ni Otto dun sa mga friends nya na ninong din. In fairness, cute ang mga ninong! hahaha! Sa Aberdeen Court yung reception. Konti lang yung bisita..dami pang foods. Mga 2pm yata kami umalis dun bago kami puntang Glorietta.

So ayun, diretso kaming Starbucks Glorietta to wait for France. Ang becky 4pm na yata dumating. Ayun picture picture muna kami before mag dinner. Nag treat si France ng dinner sa Giligans! Yey! Tapos wait namin si Karlo..mga 8pm na yata dumating. After nun, lakad kaming Greenbelt tapos stay sa Seattles's Best. Then, punta kaming Carafe. Dumating sila Arlan at Blue...sobrang tawanan syempre..si Oskee di dumating..huhuhu...mga 12am na yata kami nakauwi. Hay! Sobrang kakapagod pero sobrang saya nitong day na to. Sobrang kakamiss yung ganitong gimik!! Wish ko lang maulit ulit! NOW NA! hehehe..

BTW, Otto invited us sa Tarlac daw..any weekdays basta daw i set lang natin..sya na daw bahala sa resort, sa food..tayo na lang bahala sa sasakyan! Yey! Sana lahat makasama na this time...please mag leave na kayo! Go na tayo dito!

Posted by zinnia06 at 05:28 PM | 12 Dare To Speak!

June 26th, 2008

Ai may blog pala ko..hehe..

Musta ka naman tabulas? hehe..tagal na din since last update. Well, actually i open this every day kaso wala akong maisip ilagay..parang feeling ko wala na kong social life kase wala naman masyadong update sa life ko except for my schedule na every week nagpapalit..di naman boring pero no gimiks..hay..these are the times na I miss my old life at PS..gimik after shifts, updating blogs kapag avail, listening to music pag avail, watching movies kahit bawal (hehe), eating at my station, kwentuhah galore with friends, morning or pm shifts, kulitan with becky friends and becky sups.. pagdating nga lang ng payday, maiisip mo na "Keribels lang, ok naman sweldo..dito na lang ako.." wahahaha!

Hmm..update sa work...well, pang 2 weeks and a half ko na yata sa production. Nag umpisa ako sa 2am schedule, tapos this week 3am ako. Shitty schedule di ba? Buti na lang my cousin Erick from West eh 2:30am din ang shift at sabay kami ng rest days so may kasabay ako pagpasok. Bad trip nga lang yung biyahe. Naghahanap kami ng room na pwedeng i-rent, hopefully makalipat kami this payday. Yung account namin..hmm..may avail time naman kahit papano.. pero compare sa account ko sa PS, mas madali yun sobra! 10 minutes sa account ko sa PS long call na, sa new account ko umpisa pa lang ng call ko yun...swerte mo na pag less than 15 minutes ang call mo..di ko pa din masyadong kabisado yung troubleshooting steps..may mga times na nabobobo ako, narerealize ko na lang yung katangahan ko after the call..haha! Oh well, I just hope na makabisado ko na sya after a month in production.

I guess ayun lang update ko..later may pasok na naman ako..so work work work na naman..hay..sana maging morning na lang sched ko, pabor pa sa akin.


I missed those guys in PS! Gimik naman tayo! Bilis payday na! hehehe..

 

Posted by zinnia06 at 09:09 AM | 14 Dare To Speak!

« Newer | »