Me As Of 11/08/2007 at 11:55 AM
Mas gusto ko yung schedule ko ngayon. Balik 10am-7pm na ko since tapos na yung DST. Di na masyadong siksikan at traffic sa LRT (yes, traffic kase ang tagal bago makarating from one station to another...may train pa daw kase sa kabilang station kaya hihinto kami ng mga 5 minutes per station! Kamusta naman yun di ba?!) Tapos di na din sobrang traffic mula Gil Puyat hanggang sa PS. At syempre, nadagdagan ng 1 hour and tulog ko! Kaya next shift bid, baka ganitong oras ulit ang gusto ko. Sana may available na 10am-7pm shift.
Tapos ko na yung manga ng Prince of Tennis...kaso yun palang nasa www.mangavolume.com eh di pa complete..so bitin sobra yung story...hay...nakakainis kase wala naman akong magawa...di ko alam kung may mabibilan ako ng manga nun somewhere..mas gusto ko kase yung story ng manga kesa sa anime. Mas gusto ko yung flow ng story. Naaadik na din ako kay Ryoma Echizen. Nagpapagawa na nga ako ng theme na Prince of Tennis eh! Saka nagpapagawa din ako ng theme sa cellphone. Pag nasa office, binabasa ko lang PoT. Pagdating sa bahay, nood ng anime naman. Adik mode nga talaga ko. Weird nga eh. Kanya kanyang trip lang naman yan. Saan ba ko makakabili ng complete manga series ng Prince of Tennis? Anyone?
Lapit na birthday ko...grabe tatanda na naman ako...hehe...di ko pa alam kung anong plano ko. Any suggestions? Di kase ako umiinom, so alangan namang magpainom ako di ba? ehehe...tinanong ako ni Mama kanina, ano daw gusto kong gift...hmmm....well, dun sa mga magreregalo sakin anything that has to do with Ryoma Echizen masaya na ko! nyahahaha! Akala mo naman meron magreregalo no? Well, naka leave ako nun so di nyo ko makikita. Iwas blowout! nyahaha! Joke lang (na half meant..hehe). Seriously, ano bang magandang plan? hmmm....
Posted by zinnia06 at 11:55 AM | 10 Dare To Speak!
Nakakainis!! Di ko talaga sya type! Although sabi naman ni daddy ok naman daw...pero kahit na! Ayoko pa din! Kainis na bading yun! 

