Entries for May, 2007

May 4th, 2007

Things To Do

I was thinking of something to put here kase gusto ni mrazote na magupdate daw ako..hehe..nitatamad kase akong magisip saka nitatamad akong magtype.. Anyways, sa tagal kong nakatitig dito sa tabulas eh may naisip naman akong isulat.



Well, ang dami kong plans for this month and lahat di natuloy. Ganun yata talaga kapag planado mas lalong di natutuloy. January pa lang nag apply na ko ng leave last April 16-20 para magkaron ng time para mag swimming with feelingero friends. Kaso di magkatagpo mga sched namin nila Mami Jan saka Gellidon..tapos sila Alvin saka Neil naman mga trainee ulit so di pa sila pwedeng magabsent sa work. Silang apat pwede ng Sat and Sun, kaso ako di naman pwede kase as usual walang allocation! Saka si daddy di din sya pwede magabsent ng weekends. Hay..buti pa yung iba nakapag UBE na..ako wala pa..



Yung mga gusto ko talaga magawa this year or yung iba kahit hanggang next year, well, yung iba nagawa ko na...yung iba naman di pa...inisip ko nga kung ano yung mga plans na yun and here are some of them..



So yun pa lang yung ibang bagay na gusto kong gawin for now..sana magawa ko most of them...haaayyy....

Posted by zinnia06 at 01:20 PM | 8 Dare To Speak!

May 6th, 2007

One Year

Happy 1st year Anniversary Daddy!



I love you so much!  I feel so blessed to have you in my life! Wala pa kong gift sayo daddy eh..bukas promise..hehehe...love you ulit! sobra!





 



 



Posted by zinnia06 at 12:38 PM | 14 Dare To Speak!

May 12th, 2007

Funny Name Decoder

My sexy name

Charming Individual Needing Delights and Yeses
Get Your Sexy Name



My Cyborg Name

Cybernetic Intelligent Neohuman Designed for Yelling
Get Your Cyborg Name



My Monster Name

Cheerleader-Injuring Nightmare from the Dreaded Yonder
Get Your Monster Name



Hahahaha! Funny sobra! Yan ang tripping ng walang cols!

Posted by zinnia06 at 06:52 PM | 4 Dare To Speak!

May 14th, 2007

Election Day

Kagabi ko pa nipagiisipan kung boboto ba ko..kase naman taga Bulacan ako pero sa Makati ako nakarehistro! Well, anyways, inisip ko na nga na gumising ng maaga today kase sabi ni daddy saka ng parents ko eh sayang naman daw yung boto ko. Kaso nung ginigising na ko kanina, syempre antok pa ko..ayun nitamad na ko! hehe..naiinggit nga ako kase paglabas ko ang dami ng tao na may ink sa daliri nila (di ko alam tawag dun eh..hehe)..sayang naman di ako nakaboto..although di talaga ko familiar sa mga kandidato dito sa makati...malamang mag eeny--miney--moe lang ako dun! hehe! Saka ayoko din mawala yung registration ko dito sa Makati...sayang din yun no! grabe pinaghirapan ko yun! hahaha! I remember na pumila pa kami ng mga kacrew ko sa Mc Do ng 2am para maaga kami sa pila...sa may fire station yung COMELEC na pinilahan namin nun...and by 2am ang pila mula sa second floor hanggang sa baba na! Grabe pagod na pagod kami nun, as in nag EL kami (Excuse Late) nun sa Mc Do kase nga sobrang puyat kami. Anyways, yun talaga yung reason kung bakit ako nanghihinayang na di ako nakaboto...pag ba 1 beses di ka nakaboto di ka na registered? hayy..kase naman ayoko namang magpalate para lang dun. Saka nagpromise na ko sa aking beloved Sup na di na ko malelate. Oh well, hayaan mo na lang sya! Siguro pag nawala na yung registration ko dito sa Makati sa Bulacan na lang ako magpaparegister. Sana manalo yung mga kandidato na gusto ko.  

Posted by zinnia06 at 11:43 AM | 4 Dare To Speak!

May 19th, 2007

After Rest Days

I'm back from my rest days!  Grabe kaloka palang mag 7 days straight na work!  Parang ayaw na ng katawan mong gumising sa umaga kase nga alam nyang rest days mo na..hehe.. Anyways, kaya ako nakipag swap ng rest days kay Junville eh dahil fiesta sa Obando at birthday ng mama ni daddy. Saka tagal ko na din ndi nakanood ng fiesta sa Obando kaya I've decided na umattend na din.



Last Thursday, well natulog lang talaga ko maghapon. Mga 1pm na ko nagising tapos naligo then pumunta kaming Carriedo ng brother ko para bumili ng DVD. Ang dami naming nabili, ang mura lang kase dun saka ang linaw pa lahat. Anyways, bumili kami ng buong season ng Chun Yang, Hana Yori Dango, saka Spongebob Squarepants. Bumili din kami ng bagong movie ni Mr. Bean, 300, saka yung Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (para kay daddy to kase favorite nya to! ). Ang dami pa naming gustong bilin kaso 300 lang yung cash na nasa wallet ko, eh ayaw ko naman bumaba ng mall para magwithdraw sa baba ng Carriedo station ng LRT..mahirap na baka pati wallet saka cellphone ko makuha pa..sayang yung Kim Sam Soon...di bale balik na lang kami next week. Anyhow, so pag uwi namin DVD marathon na agad kami ng kapatid ko. Yung Chun Yang yung una naming pinanood kase yun yung gusto talaga ng kapatid kong mapanood matagal na kaso wala syang makita sa tiangge sa Obando kaya nag aya sa Carriedo. Ang ganda nga eh! Nakakaadik manood! inumpisahan namin ng 8pm natulog kami ng 3am! hehe..tapos kinabukasan paggising ko ng 11am hanggang 5pm pinagpatuloy namin yung panonood. Adik sobra!  Nagstop lang kami kase I have to go to daddy's haus pa kase nga birthday ng Mama nya. So ayun, mga 6pm ako nagpunta dun sa kanila. Eat ng dinner tapos nanood kami nung mga taong nagsa2yaw dun..hehe..ang cute tingnan kase ang daming tao tapos lahat sila sabay sabay yung sayaw nila...si Sta Clara yata yun kase yun yung tugtog eh..hehe..mga 11pm na ko nakauwi sa haus namin. Paguwi ko nanood pa ko ng DVD, mga isang chapter pa kaya 1am na ko nakatulog..hehe.. Kaya eto medyo puyat ako..hay kakaadik manood ng Koreanovelas! Sa susunod Japanese naman...yung Hana Yori Dango. Ang cheap ko no? hehehe..eh bakit ba wala akong magawa eh! Next time try ko naman yung mga TV series sa US..



Posted by zinnia06 at 12:49 PM | 20 Dare To Speak!

May 31st, 2007

Not Much

It's been a week na di ko naupdate tong tabulas ko. Wala kase akong masulat eh..hehe..saka paulit ulit lang naman nangyayari, walang bago..anyways, just for the sake of updating it kahit walang masyadong interesting na nangyari sa life ko this week eh kwento ko na din..



Last Monday, after shift ko punta kaming Zirkoh Timog. May 11 free tickets kase yung pinsan ko so go kaming 2 ni daddy tutal libre naman. Guest kase si Jose saka si Wally that night and off na din namin kinabukasan so we've decided to come. Anyways, funny naman yung mga bading na naunang nagperform. Yung band, medyo corny kaya lumabas kami ni daddy. Sa labas, mga 1am andun na sila Wally at Jose waiting for their turn. Gusto ko nga sanang papicture kaso naisip ko di ko naman maipagmamalaki yun.. So mga 1:30am na nagperform sila Jose..grabe inaantok na kami ni daddy nun! Mga 3:30am na natapos yung show kaya pagdating namin sa haus ng mga 4am talagang tulog agad ako. Anyways, wala kaming masyadong pictures eh..nitatamad kase kami lahat magpicture kaya eto lang souvenir ko..





Ang dilim pa kaya sensya na...may flash pa yan pero madilim pa din. Mga pamangkin ko yang mga yan...matanda kase dugo ko sa kanila kaya kahit na mas malaki pa sila sakin, "ate" ang tawag nila sakin..hehe..anyways, all in all it was FUN!



Nung Tuesday and Wednesday naman, as usual nagpakaadik na naman kami ng brother ko sa DVD. Pinanood ko naman this time is Hana Yori Dango. Ang ganda nya grabe! hehehe! nakakakilig saka ang gwapo nung bida! ehehehe...well, actually parang supporting actor lang sya dito pero sya yung gusto ko...name nya sa story is Hanazawa Rui...cutie sya grabe! look nyo...





O di ba cutie sya ever??  ngayon lang nangyari na mas gusto ko yung ndi bida kase nga ang gwapo nya talaga...hehehe...panoorin nyo na din yang hana yori...kakakilig yung story promise!



Oh well, ayun lang naman ang nangyari sakin for the last week. Di masyadong interesting pero pagtyagaan nyo na..kesa naman mabulok tong blog ko..hehehe...



 



Posted by zinnia06 at 02:35 PM | 4 Dare To Speak!

« 2007/04 | 2007/06 »