Entries for April, 2007

April 5th, 2007

Nightmare!

Hay naku! I'm soooooooooooo freakin' pissed off!! Pano ba naman, kakapasok ko pa lang, syempre check agad ng Outlook...ampf meron na naman akong "Notification For C1 Deduction: No Attempt To Upsell". T***inis!! Syempre violent reaction agad yung Supervisor ko! Haaayyyy.....naku naman! Eto na naman! Halos mapanaginipan ko na nga tong lintek na NO UPSELL na to! Nakakabwiset talaga! I soooooooooo HATE upselling! Whatever u say, basta AYOKO sya!! I HATE IT I HATE IT I SUPER F***** HATE IT!!

Posted by zinnia06 at 12:10 PM | 10 Dare To Speak!

Nakikiuso Lang

Hmm..medyo na curious ako kase most of my friends have this on their blog..so akala nyo kayo lang ha?? hehehe...here's mine..


You are The Wheel of Fortune


Good fortune and happiness but sometimes a species of
intoxication with success


The Wheel of Fortune is all about big things, luck, change, fortune. Almost always good fortune. You are lucky in all things that you do and happy with the things that come to you. Be careful that success does not go to your head however. Sometimes luck can change.


What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.


Posted by zinnia06 at 04:39 PM | 2 Dare To Speak!

April 6th, 2007

Secrets

Sorry pero mahilig akong manggaya ngayon ng entry sa blog kase naman wala akong magawa. Nabrowse ko na lahat ng sites na gusto ko, yung music na nasa playlist ko paulit ulit na...sawa na ko sa friendster, sa multiply, sa tabulas, sa blogger, sa lahat! Kaya sa u can see, everyday na kong nakakapagupdate sa tabulas ko. So anyways, lahat ng blogs na nasa links ng friends ko, binasa ko na at nakapagcomment na din ako..and naaliw naman ako sa entry ni Van saka ni Les yata yun (di ko sure kung sino kase ang dami ko ngang binasang entry)...so try ko na din magshare ng mga info about myself.

Fact number 1: I was a former crew of McDonald's The Fort and was forced to resign.

Well, some of my really close friends knew about this already pero share ko pa din. Naging former crew ako ng Mc Donald's sa may The Fort. Pioneer ako ng store na yun, as in Batch 1. Lagi akong nasa Drive Thru Runner (which means taga assemble ng order sa Drive Thru) at wala ako sa Counter dahil lagi akong narereklamo na masungit ng mga customers..(ndi naman ah? ) In fairness lagi akong Best In Drive Thru before. But then, something bad happened. I was forced to resign because of the swipe card na tinago namin ng ex bf ko. Well, the swipe card kase is needed pag kailangan mo magpavoid (yung pag may inorder ka tapos nagbago isip nung customer at nagcancel or binago yung order nya, ayun VOID ang tawag dun) or kailangan mo magrefund, mag overring, lahat! So ayun, napulot ng ex bf ko yun sa may spaghetti station ng store namin tapos binigay nya sa kin. Madami din kase kaming kalokohan dati so we used it. Tapos one day na lang biglang kinausap kami ng Restaurant Manager namin and then pinaamin kami kung nasa amin nga daw yun swipe card. Nung una, todo tanggi kami ng ex ko. Pero in the end wala na ding lusot so ayun pinag Incident Report kami and stuff. Tapos ayun, na forced to resign kami nung ex ko. Grabe nung mga panahon na yun, parang lahat yata ng friends ko (or should I say yung mga friends mo lang pag may kailangan sila sayo) ndi kami kinausap! As in lahat sila feeling mga Santo na walang kalokohang ginagawa sa store! Kumbaga, ayaw nilang madamay kaya ayun iwanan sa ere ang nangyari. Iyak ako ng iyak nun kase di ko na alam who my real friends are. Merong 2 friends ko na nagstay loyal with us, si Franz at si Jonalyn. I love u guys! So ayun nga, nung mga panahon na yun ako lang bumubuhay sa sarili ko (working student ako nung college) so di ko alam san ako kukuha ng pambayad ko sa rent ko sa boarding house saka pambaon ko. Buti na lang, I have my parents pa din to help me. Dun ko sila naappreciate ng sobra dahil alam kong di nila ko pinabayaan. Sniff sniff.  Up to now, nahihiya pa din ako ikwento yun kahit sa mga real friends ko sa West or dito sa PS coz I'm afraid to lose them again. Ayoko na ulit yun maranasan. It was painful. Kaya kung may kalokohan yung mga tao sa paligid nyo, wag na kayong makisama kase pag nagkabukingan tandaan nyo di lahat ng kaibigan nyo will stand by you.  I learned my lesson there very badly. Traumatic sobra! Pero I realized, look at me now. I mean, those "friends" na iniwan ako sa ere, andun pa din sila sa Mc Do..compare naman sa what I achieved now. Kaya nga minsan, gusto kong bumalik dun na taas noo at sabihing sa kanila na "inapi api nyo ko dati ha? eh sinong mas kawawa ngayon?" hahaha! but I'm not like that. Di ako mahilig manumbat sa tao. So sa lahat ng mga kacrew ko sa Mc Do na nangiwan sa akin sa ere FU sa inyong lahat!

Fact number 2: Napalayas ako sa boarding house ko dahil napagbintangan akong nagnakaw ng pera ng karoommate ko!

Yep..a month before I was forced to resign sa Mc Do, eto pa ang isa pang traumatic experience na nangyari sakin. After work ko sa Mc Do, so hinatid ako ng ex ko sa boarding house namin. Mga 1am na kami nakauwi nun kase nga closer kami and nilalakad lang namin mula The Fort hanggang Masilang. Anyways, ayun so pagdating nga namin sa boarding house tinawag ako ng karoommate ko. Sabi nya "Cindy halika nga dito sandali sa taas". So kami ng ex ko nagtaka, so ayun umakyat na lang ako. Tapos pagakyat ko, nagsisisigaw na yung karoommate ko na "Bakit mo nagawa sakin to Cindy?? Pagkatapos kitang pagkatiwalaan??" tapos hawak hawak nya yung sim na nakita nya daw sa bag ko. So ako naman shocked sobra! Sabi ko "Bakit ba Ate Bing ano bang nagawa ko??" Tapos sabi nya "Nagtatanong ka pa ha?? nakita ko tong sim ko na nawawala sa bag mo!! At nung isang gabi nawalan pa ko ng pera!! Ikaw pala ang kumuha walang hiya ka!!" tapos ayun di ko na kinaya naiyak na ko ng sobra (tanginis pag naalala ko to naiiyak pa din ako..) Sumasakit na yung dibdib ko nun, sabi ko "Ate wala akong ninanakaw na pera mo! Wala akong ginagawang masama!" Tapos sabi nya "How can u say that eh eto na nga sa harap ko yung ebidensya!!" Sabi ko naman "Ate, yang sim na yan, nakita ko yan sa baba ng kama ni Ate Mitch..kinuha ko yan kase akala ko walang may ari...saka di naman ako siguro tanga para iwanan yan sa bag ko kung ninakaw ko man yan!" Pero di sya naniwala...may 2 pang asungot na kaboardmates namin ang nakikigatong...kaya ayun, mga 2am dinala nila ko sa Baranggay...huhuhuhu...Di ko alam kung anong mararamdaman ko nung gabing yun. Pagdating namin sa baranggay, pinapaamin nila ko na ako daw kumuha nung pera saka nung sim. Sabi ko sa tanod, "Di po talaga ako, kahit ipa Lie Detector Test nyo pa ko!" Pero kahit anong tanggi ko, ayaw nilang maniwala. Grabe yung feeling na yun. Numb na ko. Iyak ako ng iyak, helpless ako kase 3 silang nagbubunganga sakin. Tapos yung ex ko, tinawagan nya yung bestfriend nyang si Aaron. Pagdating dun ni Aaron, yung father kase nya General sa Air Force so malakas loob. Kinausap nya yung mga boardmates ko. Sabi nya para daw matapos na lang, babayaran na lang daw namin yung 1K na nawawala saka yung sim. Sa isip ko, bakit ko babayaran yung bagay na di ko naman kinuha? Para ko na ding inamin na ako kumuha nun di ba? Pero sabi sakin ni Aaron, hayaan mo na..para makauwi na kayo at para matapos na to. So ayun, sumakay kami sa kotse ni Aaron pabalik sa boarding house. Mga 3am na yun ng madaling araw, pinalayas pa din nila ako. Pinahakot sakin lahat ng gamit ko (biruin mo yun??). Buti na lang at mabait at may kotse si Aaron. Dun kami natulog ng ex ko sa bahay ng bestfriend nya. Nung gabing yun, di natapos yung pagiyak ko. Di ako makapaniwala sa nangyari. Parang kung panaginip, gusto ko ng magising. Yun na yung pinakatraumatic experience ko sa buong buhay ko na kahit sa panaginip ayoko ng balikan sa sobrang sakit.

Fact Number 3: Since High School, mas close ako sa mga guys kesa sa mga girls

Simula nung high school, mas close ako sa mga guys. Not because flirt ako or tibo ako ha? Ewan ko ba, basta mas ok sila kasama. Lalo nung college ako saka nung nagwork ako sa West, ako lang ang babae sa barkada namin. Kaya sanay akong binebaby. Kasama nila ko sa lahat ng gimik nila. Langya kahit sa harap ko nambababae yung mga yun! Kaya nga sabi ko sa kanila, siguro pag nilasing nyo ko tapos nandito yung mga gfs nyo, malamang lahat kayo maghiwalay sa dami ng alam kong kalokohan nyo! hehehe! Kaya di din ako natutong uminom kase di nila ko hinahayaan! Mga takot mabuking! hahaha! Pero in fairness ha, masarap sila kasama kase di sila plastik. Pag may ayaw sila, sasabihin nila yun sayo ng diretso! Walang pakiyeme! Di tulad ng mga girls..puro patweetums! (di naman lahat...yung iba lang!)

Fact Number 4: Super takot ako sa ipis!

Kung gusto mo kong takutin, as in sobrang matakot, magdala ka ng ipis na lumilipad or kahit ndi basta buhay lang. Sigurado matatawa ka sa expression ko! (Please lang don't do this or I'LL KILL YOU!! Seryoso ako!!)

Fact Number 5: Meron din akong kamaganak na may diperensya sa utak at palaboy sa kalye!

Yung Auntie ko, kapatid ng Papa ko...ayun, sabi nila di naman daw totally baliw kase nakakauwi yun sa Bulacan or sa Novaliches kung san nakatira yung mga kapatid nya. Pero ang weird, di sya matahimik sa isang lugar. As in magstay sya sa amin, tapos mga after 2 days tatakas sya tapos kung saan saan na naman pupunta! Minsan nga, nakasalubong namin sya ng pinsan ko sa Monumento..as in namamalimos sya..tapos nung nakita nya ko tinawag ako, syempre lumapit naman ako tapos nagmano pa ko ha? Imagine, yung mga tao nakatingin sakin kase nga naman nagmamano sa namamalimos di ba? Tapos hihingi sya ng pera sa akin..hehe..lahat actually kaming magpipinsan hinihingan nya ng money. Pero now, she's dead na eh. Sumalangit nawa.

Well, ayun lang muna mashare ko. Mag end shift na kase ako eh! hahaha! Sa haba ng entry ko, wala ng time. Pag nakaisip cguro ako ng iba pa post ko na lang. Oi secret lang to ha? nyahahaha! Joke!

 

Posted by zinnia06 at 05:56 PM | 11 Dare To Speak!

April 7th, 2007

Spidey 3

Can't wait to watch this one!! This is one of the movies na talagang aabangan ko. Usually early May ang showing nito..sana ganun this this time!

Posted by zinnia06 at 10:48 AM | 4 Dare To Speak!

April 19th, 2007

PTO Week

Been really busy this week. Kahit naka PTO ako ng  monday, at off ko ng wed saka thur saka sa friday, maaga pa din ako gumigising at pagod parati. Hay naku..well, been busy kase nag open na yung business namin ni daddy yesterday. So lahat talagang puro yun ang inaasikaso namin. Ang daming naming gastos!!  Langya pulubi na kami ni daddy!! Huhuhuhu...pero ok lang, makakabawi din kami. Anyways, eto yung mga activities na ginawa ko this week:



Monday, maaga kaming gumising kase punta kami dun sa Fatima University (yung place nung food cart biz namin) para magbayad ng rent. Then after nun diretso kaming galleria kase may pasok si daddy. Grabe ang init sobra! Sarado pa yung tullahan bridge kaya naglakad pa kami para lang makasakay pa LRT. Haaayy...tapos nun, dahil maaga pa si daddy sa work eat muna kami ng lunch sa galleria. After that diretso akong JG summit para tapusin yung medical ko. In fairness, 10 mins lang yata tapos na ko. After nun, go straight here sa office to meet Mommy Jan and Gellidon. Eat kami then nood movie. We watched Ang Cute ng Ina Mo. Grabe sobrang LAUGH TRIP yung movie! hahaha! Umpisa pa lang nakakatawa na sya, hanggang sa huli! Anyways, after nun kanya kanya na kaming way pauwi. Nagkita kami ni daddy sa megamall then uwi na din.



Tuesday, well medyo nakatulog naman ako ng matagal this day. Pero mga 12:45pm sinundo na ko ni daddy. Usual Tuesday. After that punta kaming Annapolis para umorder ng products na ibebenta namin para sa business.



Yesterday (wed), syempre maaga gumising para sa opening. Medyo nangagapa pa kami kase ngayon lang naman namin naranasan yung magbusiness. Summer classes lang kaya di ganun kadami yung benta pero ok lang. Masaya naman. Sabi ng mga katabi naming mga cart, dadami daw talagang benta kapag June na which is pasukan. Di naman din kami nagmamadali so ok lang. Nakakinip nga lang magbantay dun. Buti na nga lang I don't need to be there everyday..hehe..



Today (thur), obviously andito ako sa work kaya ako nakapagupdate ng blog. Sabi nung nagbabantay ng cart namin eh mas ok daw ang benta ngayon. Thank God!  Happy din ako kase mataas yung QA ko.  Yey! Thanks to my QA Ed. (special mention ka pa ha? hehe)



Anyways, bukas PTO na naman ako! yipee! kaso gud luck magbabantay lang ako ulit dun sa Fatima bukas. Haaayyy...pero di ako dun punta ng maaga, mga hapon na ko punta para makapagpahinga muna ko.



So ayun...yan ang nangyari sa aking life this week. Saturday back to work na ulit. Hay..sana lagi na lang akong naka PTO.. Saka dun nga pala sa mga naghahanap ng chocolate, sensya na ha? Eto yung dahilan kung bakit di makakuha ng chocolate yung boypren ko! hehe! That's all folks!



Posted by zinnia06 at 04:54 PM | 4 Dare To Speak!

April 21st, 2007

Colorgenics..Totoo Kaya? Hehe..

Nibabasa ko yung blog ni Gellidon, tapos nakita ko to..so nigaya ko sya..nisagutan ko na din..hehe..

Result:

You have always longed for tenderness, love and a sensitivity of feeling into which you would like to blend. You are a very gentle warm person and responsive to 'All things bright and beautiful'. This personifies a caring person, a person who 'needs' and indeed 'needs to be needed'.

You are a leader in every sense of the word. You know where you are going and you know what you need to do in order to get there. You exercise an inherent initiative in overcoming obstacles and difficulties. You either hold, or wish to achieve, a position of authority by means of which full control can be exerted over events.

You need a friend - a close friend - and you are willing to become emotionally involved with the right person, but you are very demanding and particular in your choice of partners. You are constantly looking for reassurance and it is perhaps because of this that you tend to be somewhat argumentative, but you try to hold back - careful to avoid open conflict - since this might reduce your prospects of realising your hopes of establishing a warm caring relationship.

You are an emotional, sincere and impressionable individual experiencing frustration and unnecessary stress. You vehemently resist any form of pressure from outside sources, insisting on your independence as an individual. You want to be a decision maker - to make up your own mind without interference. You wish to be able to draw your own conclusions and arrive at your own decisions. You detest uniformity and mediocrity as you want to be regarded as one who gives authoritative opinions. Your favourite expression could well be that 'I may not always be right but I am never wrong'. You're a perfectionist and even though you may feel that the other person's point of view may be right, you find it extremely difficult to admit that you could be wrong.

You would like to be respected and valued for yourself and this can only be achieved from within a close and harmonious relationship.
Natawa ko dun sa iba..di ko alam kung totoo ba o ndi..

Posted by zinnia06 at 04:02 PM | Care To Speak?

White Lies

Sometimes, we have to tell white lies just to cover up for something or someone. You have to lie because it's better than telling the truth. It's hard to lie especially when it involves people that is close to you, and those people that you know they will believe in whatever you tell them because they trust you. So everytime you see them or when you talked to them, you felt the guilt inside. You wil always feel you betray their trust. You will be confused. Whatever the outcome will be entirely your fault and you might not gain their trust back. You will be able to explain to them the reason why you have done it and they might forgive you but the problem is, people don't forget. It's hard to fully trust a friend who already lied to you. You can never have their full trust.



So now, to you, I'm really sorry. I just hope that when you know the truth, you'll understand that we only have to lie because we think this is what is right. This is what we need to help you. This is for your own good.



Posted by zinnia06 at 07:07 PM | 10 Dare To Speak!

April 26th, 2007

Very Bad Bad Bad First Day!!

Dahil sabi ni Sir Franch burahin ko daw yung blog entry ko, so revised edition na lang to..basta ang masasabi ko lang, BAD TRIP SOBRA ako ngayong araw na to!  Yun na yon!



Posted by zinnia06 at 05:55 PM | 8 Dare To Speak!

April 27th, 2007

Second Day

Nakonsensya naman ako sa comment ni Sir Franch...ahahaha!  Ok lang naman yun Sir...no problem...alam ko naman na it's for my own good.. nitatamad lang ako ulitin yung entry ko kahapon kaya maikli na lang..



Anyways, in fairness di ako late ngayon. 8 minutes before shift andito na ko. Nakakainis kase ang traffic sobra! Nakakainis yung feeling na nagmamadali ka lagi tapos lagi kang tumitingin sa watch mo! Oh well, medyo nanghihinayang din ako today kase nasira nung nagbabantay ng cart namin yung steamer. Nahati daw sa gitna yung glass na nasa likod. Kaya ayun, di tuloy nakapagopen today. Sayang naman yung benta.. Hay...



Kahapon nga pala na touch naman ako sa bait ng Sup ko at QA ko..ahehe.. Thanks Sir Ron and Ed..promise tutuparin ko yung promise ko sa inyo!



So far, yun pa lang naman ang nangyayari sa life ko. Sana maging ok naman ang buong araw ko. At sana magawa na yung steamer namin para sa Monday bukas na ulit kami.



Posted by zinnia06 at 01:36 PM | 4 Dare To Speak!

April 28th, 2007

Nakakaloka!

Ang masasabi ko lang ngayon:



NALOLOKA NA KO SA MGA NANGYAYARI SA BUHAY KO THIS WEEK!!



Nakakaloka talaga!



Posted by zinnia06 at 04:16 PM | 8 Dare To Speak!

April 30th, 2007

Last Day

Sa wakas last day na ng week ko. Sa sobrang daming kamalasan na nangyari sa buhay ko this week, ayoko na talaga! Gusto ko na matapos ito!  Sana naman matapos na...kase nakaka lurky talaga sya!



Anyways, kanina akala ko malelate na naman ako. Grabe buong linggo wala na yata akong ginawa kundi tumakbo pagbaba ko sa jeep hanggang dito sa office! Feeling ko pwede na kong lumaban ng 100 meter dash kase napractice ako ng todo this week!  

Bukas na nga pala yung showing ng Spiderman 3!  Can't wait to watch it! Sakto rest day pa namin ni daddy. Ang iniisip lang namin, baka di na kami makakuha ng ticket para bukas sa dami ng taong manoood. Saka nagkataon pa na holiday bukas kaya expected talaga namin na baka di din kami makanood..wala kase kaming time bumili ng ticket eh.. huhuhu... Tapos bago pa kami makanood, papagawa nya pa yung steamer namin na nasira...kaya baka last full show na kami. Oh well, basta dapat makanood kami! Di pwedeng hindi!



Lapit na nga pala anniversary namin ni daddy! Kaso wala pa kong gift sa kanya...ano bang pwede? wala akong maisip eh...last time si SME Jerome ang tinanong ko and he suggested watch...ano sa palagay mo Jerome anong pwede kong gift ngayong anniv? hehe..



Oh well, wala na kong maisip..basta sana lang next week maging ok na lahat. Sana di ako malate, sana makapagopen na ulit kami, and sana mataas QA ko...sana lang po pls...



 



Posted by zinnia06 at 01:15 PM | 16 Dare To Speak!

« 2007/03 | 2007/05 »